top of page

Happy Birthday, Konsi Jolo!


Nagkakaisa ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapaabot ng isang maligayang kaarawan para sa isa sa mga haligi ng lehislatura, ang ating masipag na Municipal Councilor, Hon. Jaime I. Viceo, V., o mas kilala ng marami bilang Konsi Jolo.


Sa pangunguna nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat kay Konsi Jolo para sa kanyang dedikasyon at tapat na pagsisilbi sa mga San Rafaeleño.


Binigyang-pugay ang kanyang mga naging kontribusyon sa pagbuo ng mga batas at programang nakatuon sa kapakanan ng bawat mamamayan. Ang lokal na pamahalaan ay kaisa sa panalangin para sa kanyang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy siyang maging instrumento ng pag-unlad sa ating bayan.

Comments


bottom of page