Happy Birthday, Veronica!
- SB San Rafael

- Feb 5
- 1 min read

Isang mainit na pagbati ang ipinaabot ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion para sa kaarawan ni Veronica de Leon, isa sa mga masisiglang kinatawan ng Alliance of the Youth of San Rafael.
Sa mensaheng ipinadala ni Vice Mayor Veneracion, o mas kilala bilang "Kuya Edison," binigyang-diin niya ang kahalagahan ng papel ng mga kabataan sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng ating bayan. Ang Alliance of the Youth ay katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga adbokasiya para sa kapakanan ng mga bagong henerasyon ng San Rafaeleño.
Dalangin ni Kuya Edison para kay Veronica ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa lahat ng kanyang mga mithiin sa buhay. Ang kanyang dedikasyon bilang bahagi ng youth alliance ay nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga kapwa kabataan na makiisa sa mga makabuluhang gawain sa komunidad.





Comments