top of page

Hataw sa Entablado! Beat Blaster, Kinoronahan Bilang Kampeon sa Christmas Dance Contest ng San Rafael


Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang inaabangang Christmas Dance Contest noong gabi ng Disyembre 1, 2025, na nagpakita ng mataas na antas ng talento ng mga San Rafaeleño. Nagpaabot ng pagbati si Vice Mayor Kgg. Edison M. Veneracion sa lahat ng nagwagi.


Ang patimpalak ay ginanap bilang bahagi ng masiglang aktibidad ng Christmas Village & Bazaar, na dinaluhan ng maraming residente.


Nangibabaw sa kumpetisyon ang grupong Beat Blaster na nagpakita ng pambihirang husay at naging champion ng patimpalak.


Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:

1st Place: Beat Blaster

2nd Place: Red Burgers

3rd Place: Dance Mover Kids

Consolation: The Fab Five Girls at BG5

Comments


bottom of page