Holiday Advisory: Mga Mahalagang Petsa ngayong Pebrero, Inianunsyo
- SB San Rafael

- Feb 6
- 1 min read

Upang matulungan ang mga kababayan sa maagang pagpaplano para sa kanilang mga lakad at trabaho, naglabas ng paalala si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion hinggil sa mga nalalapit na holidays ngayong buwan ng Pebrero.
Ayon sa opisyal na kalendaryo, narito ang mga petsang dapat tandaan:
Pebrero 17 (Martes) – Chinese New Year: Itinakda bilang isang Special Non-Working Day. Walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga kapatid nating Tsino.
Pebrero 25 (Miyerkules) – EDSA People Power Revolution Anniversary: Itinalaga bilang isang Special Working Holiday. Bagama't may pasok sa trabaho at paaralan, nananatili itong isang mahalagang araw ng paggunita sa kasaysayan ng ating demokrasya.
Pinapayuhan ni "Kuya Edison" ang lahat ng mga San Rafaeleño na ayusin nang maaga ang kanilang mga transaksyon sa munisipyo at manatiling ligtas sa anumang aktibidad na gagawin sa mga nasabing araw.





Comments