top of page

Huling 10 Araw: Business Permit Registration at Renewal sa San Rafael


Tuloy-tuloy ang serbisyo ng San Rafael Business One Stop Shop (BOSS) 2026 upang magbigay ng mabilis at episyenteng pagproseso ng mga dokumento para sa mga negosyante sa bayan.


Sa ilalim ng sistemang ito, pinagsama-sama sa isang lugar ang mga pangunahing tanggapan tulad ng BPLO, MTO, MHO, MEO, MENRO, BFP, at iba pang mga opisina sa ilalim ng Pamahalaang Bayan. Layunin nito na mapadali ang pagpaparehistro at pagre-renew ng mga Business Permit para sa taong 2026.


Nagpaalala ang Pamahalaang Bayan na ang deadline para sa pagproseso nang walang penalty ay hanggang Enero 30, 2026 na lamang. Ang BOSS ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.


Hinihikayat ang lahat ng mga business owners na samantalahin ang pagkakataong ito upang maiwasan ang siksikan sa huling araw at makaiwas sa mga karagdagang multa.

Comments


bottom of page