top of page

Ika-23 Regular Session ng Sangguniang Bayan, Maraming Pinagtibay na Proyekto at Ordinansa


Matagumpay na idinaos ang Ika-23 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion. Sa naturang sesyon, pormal na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang mga mahahalagang kapasiyahan at kautusan na magbibigay-daan sa pag-unlad at mas maayos na pamamahala sa bayan.



Mga napagtibay na kapasiyahan, kautusan na nasa ikatlo at huling pagbasa:


1. A Letter From Mr. Romeo B. Valmadrid, Jr. Requesting For The Issuance Of Sangguniang Bayan Clearance For The Construction Of Two Storey Warehouse Building In A Lot Area Of 600 Sq. Meters Located At Dagat-Dagatan, San Rafael, Bulacan.


2. A Letter From Mr. Angelito Barcial, Authorized Representative, Requesting For The Issuance Of Sangguniang Bayan Clearance For The Construction Of A ProposedWarehouse In A Lot Area Of 2,400 Sq. Meters Located At Barangay Tukod, San Rafael, Bulacan.


3. Kautusang Barangay Blg. 2025-02 Ng SB ng Poblacion – Ukol Sa Isang Kautusan Para Sa May-ari Ng Paupahang Apartment O Bahay Na Inuobliga Na Ang Mga Uupa Ay Magpatala Sa Barangay At Magbigay Ng Barangay Clearance Mula Sa Pinanggalingang Barangay Bilang Character Reference.


4. Kapasiyahang nagpapatibay sa Supplemental Budget Blg. 01 ng Barangay Pulo na may kabuuang halagang P1,714,965.46 na pinagtibay sa ilalim ng Kautusang Barangay Blg. 2025-03.


5. Kapasiyahang nagpapatibay sa Supplemental Budget Blg. 01 ng Barangay Tambubong na may kabuuang halagang P554,201.15 na pinagtibay sa ilalim ng Kautusang Barangay Blg. 2025-03.


6. Kapasiyahang nagpapatibay sa Supplemental Budget Blg. 02 ng Barangay Dagat-dagatan na may kabuuang halagang P59,777.90 na pinagtibay sa ilalim ng Kautusang Barangay Blg. 2025-02.



Comments


bottom of page