Ika-4 na Regular Session: Mga Resolusyon para sa Disaster Response at Serbisyo Publiko, Inaprubahan
- SB San Rafael

- Jan 28
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ang Ika-4 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion at ng mga masisipag na Kagawad ng Sanggunian.
Sa nasabing session, binigyang-diin ang kahandaan ng bayan sa panahon ng sakuna at ang pagsusuri sa mga pangunahing serbisyo. Narito ang mga pangunahing napagtibay:
Para sa Disaster Preparedness and Response: Pinagtibay ang resolusyong nagbibigay ng awtoridad kay Mayor Cipriano D. Violago, Jr. na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa ilang mga construction firms (Eirish Builders, Grand Sagas, Philippine Huayu, at RA Capistrano). Ang partnership na ito ay naglalayong mas mapalakas ang kakayahan ng bayan sa mabilis na pagresponde at kahandaan sa anumang kalamidad.
Mga Inaprubahan sa Ikatlo at Huling Pagbasa:
Pagsusuri sa PrimeWater: Isang pormal na endorsement para sa review at public hearing tungkol sa serbisyo at pagsunod sa regulasyon ng Primewater Infrastructure Corporation upang matiyak ang de-kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan.
Akreditasyon: Inaprubahan ang hiling para sa akreditasyon ng Garden Breeze Subdivision Homeowners Association mula sa Brgy. Maguinao.
Barangay Tukod Budget: Pinagtibay ang paglilipat ng pondo sa Barangay Tukod na nagkakahalagang P55,000.00 para sa Service Recognition Incentive (SRI) ng kanilang mga kawani.





Comments