top of page

Ika-40 Anibersaryo ng People Power: San Rafael, Nakiisa sa Pag-alala sa Makasaysayang Rebolusyon


Bilang pakikiisa sa buong bansa, pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion ang paggunita sa Ika-40 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong ika-25 ng Pebrero, 2026.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni "Kuya Edison" ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa isa sa pinakamahalagang kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa kanya, ang nasabing pangyayari ay nagpakita sa buong mundo na ang tunay at makabuluhang pagbabago ay makakamit sa pamamagitan ng mapayapang paraan at matibay na paninindigan ng mamamayan.

Comments


bottom of page