top of page

Ikatlong Regular Session ng Sangguniang Bayan, Matagumpay na Naganap


Matagumpay na idinaos ang Ikatlong Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael noong ika-19 ng Enero, 2026. Ang nasabing session ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion bilang Presiding Officer.



Katuwang ang mga masisipag na Kagawad ng Sanggunian, tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga mahahalagang agenda at panukala na naglalayong mas mapaganda ang serbisyo at kapakanan ng bawat San Rafaeleño.


Ang regular na pagpupulong na ito ay bahagi ng dedikasyon ni Kuya Edison at ng buong Sangguniang Bayan na mapanatili ang aktibong lehislatura tungo sa isang progresibong bayan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga lider, sinisiguro ng lokal na pamahalaan na ang bawat batas na ipinapasa ay makatutulong sa pag-unlad ng komunidad.

Comments


bottom of page