Ikaw ba ay Board Passer? Ipadala na ang Detalye sa Pamahalaang Bayan!
- SB San Rafael

- Jan 6
- 1 min read

Isang malaking pagpupugay ang inihahanda ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa mga anak ng bayan na nagtagumpay sa iba’t ibang Licensure Examinations nitong mga nagdaang buwan.
Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga bagong board passers ng LET (Teachers), PNLE (Nurses), CELE (Civil Engineers), at iba pang mga propesyon na magsumite ng kanilang impormasyon para sa gagawing pagkilala ng bayan.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng programa nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion upang bigyang-halaga ang pagsisikap ng mga kabataang San Rafaeleño na nag-aral nang mabuti upang makamit ang kanilang mga lisensya.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang tagumpay ng mga bagong propesyonal na ito ay nagsisilbing inspirasyon at patunay ng mataas na kalidad ng edukasyon at determinasyon ng mga mamamayan sa San Rafael.





Comments