top of page

Infrastructure Audit Program, Isinagawa sa San Rafael


Isinagawa noong ika-28 ng Nobyembre ang Infrastructure Audit Program sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael, isang hakbang na naglalayong masusing suriin ang kalagayan ng iba’t ibang pasilidad, gusali, at imprastraktura ng munisipalidad.


Ang layunin ng seryosong pagsusuring ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, mapalakas ang kahandaan sa sakuna, at mapanatili ang patuloy at episyenteng paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.


Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Municipal Engineering Office sa pakikipag-ugnayan sa DILG San Rafael.


Kabilang sa mga sinuri ng audit team ang mga sumusunod, mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan, pampublikong pasilidad, mga drainage system, at iba pang mahahalagang imprastraktura.


Sa pamamagitan ng komprehensibong pagsusuri, natutukoy ang mga estrukturang nangangailangan ng agarang pagkukumpuni, pagsasaayos, at pagpapahusay. Ang impormasyong nakalap ay magsisilbing basehan sa paggawa ng plano para higit pang mapabuti ang kalidad ng serbisyong ipinagkakaloob sa mamamayan.

Comments


bottom of page