Isang Maligayang Kaarawan para sa Unang Ina ng San Rafael, Mayora Mabel
- SB San Rafael

- Jan 30
- 1 min read

Nag-iisang tinig ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapaabot ng pinakamainit na pagbati para sa kaarawan ng ating katuwang sa paglilingkod, ang maybahay ng ating Punong Bayan, Mayora Mabel Violago.
Sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, kasama ang lahat ng mga pinuno at kawani ng iba’t ibang tanggapan, ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat at pagkilala sa mahalagang suporta ni Mayora Mabel sa ating komunidad.
Ang buong bayan ay kaisa sa panalangin na patuloy siyang biyayaan ng ating Panginoong Maykapal ng mabuting kalusugan, kalakasan, at higit pang mga pagpapala upang patuloy na maging inspirasyon sa bawat San Rafaeleño.
Ang kagalakang ito ay sumasalamin sa pagkakaisa ng ating pamahalaan sa pagpapahalaga sa mga taong katuwang sa pagbuo ng isang masaya at matatag na pamilya sa ating bayan.





Comments