top of page

Isang Mapagpalang Pasko at Manigong Bagong Taon!


Sa pagdiriwang ng pinakamasayang panahon ng taon, ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay nagpapaabot ng isang mainit at taos-pusong pagbati sa bawat pamilyang San Rafaeleño.


Sa pangunguna nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, nawa ay maging sentro ng ating mga tahanan ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.


Ang administrasyong Violago-Veneracion ay naniniwala na ang Pasko ay hindi lamang panahon ng palitan ng regalo, kundi panahon ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap at pagpapatibay ng ating ugnayan bilang isang komunidad.

Comments


bottom of page