top of page

Kaarawan ni G. Lee Mempin, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan


Nagpaabot ng maligayang pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael kay G. Lee L. Mempin, ang Municipal Consultant on Employment Generation and Livelihood Program, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.


Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pagbibigay-pugay sa mahalagang papel ni G. Mempin sa pagpapaunlad ng kabuhayan at trabaho sa bayan ng San Rafael.


Sa kanilang mensahe, binigyang-diin ng mga opisyal ang pasasalamat sa kanyang dedikasyon bilang katuwang sa paglikha ng mga oportunidad para sa mga mamamayan.


Kalakip ng pagbati ang taos-pusong panalangin para sa kapakanan ng consultant, mabuting kalusugan at patuloy na biyaya ng ating Panginoon Maykapal.


Comments


bottom of page