Kabataan, Handa na sa Takbuhan! Drug Free Run, Gaganapin sa Disyembre 20
- SB San Rafael

- Dec 12, 2025
- 1 min read

Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng kabataan na makilahok sa inihandang "RUN KABATAAN: Youth on the Move: Drug Free Run" na gaganapin sa darating na Disyembre 20, 2025.
Ang Fun Run na ito ay isang aktibidad na naglalayong isulong ang healthy lifestyle at ipagdiwang ang diwa ng pagiging Drug-Free ng mga kabataan sa San Rafael.
Inaasahang dadagsain ang takbuhan dahil sa mga inihandang raffle items para sa mga Kabataang San Rafaeleño.
Narito ang mahahalagang detalye ng Fun Run:
December 20, 2025
4:30 am call time
San Rafael Municipal Ground
GUN START:
10K - 5:00 am
5K - 5:30 am
Nanawagan ang Pamahalaang Bayan, "Lace up, at makiisa na sa ating palaro. Kitakits mga bossing!"





Comments