Kabataang San Rafaeleño, Magkakaisa sa Run Kabataan 2025
- SB San Rafael

- Dec 19, 2025
- 1 min read


na ang lahat para sa pinaka-inaabangang aktibidad ng mga kabataan ngayong Disyembre! Gaganapin na bukas, Disyembre 20, ang Run Kabataan 2025: Youth on the Move: Drug-Free Run sa San Rafael Municipal Grounds.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang isang karaniwang fun run, kundi isang mahalagang hakbang ng Pamahalaang Bayan upang isulong ang isang malusog, aktibo, at drug-free na pamumuhay para sa mga kabataang San Rafaeleño. Upang maging maayos ang daloy ng takbo, pinaaalalahanan ang lahat ng mga rehistradong kalahok na sumunod sa mga itinakdang oras:
Call Time: 4:00 AM (Pinapayuhan ang lahat na dumating nang maaga para sa stretching at briefing).
10K Category (BLUE Shirt): Gun Start sa ganap na 5:00 AM.
5K Category (RED Shirt): Gun Start sa ganap na 5:30 AM.
Para sa mga may dalang sasakyan, ang Designated Parking ay matatagpuan sa Old Cockpit Arena (sa tabi ng PTT/Bazaar Parking). Mahigpit ding pinaaalalahanan ang mga tatakbo na sumunod sa mga marshals at traffic personnel sa kahabaan ng ruta para sa inyong kaligtasan.
Mahalagang paalala:
Rain or Shine: Tuloy ang takbo anuman ang panahon.
Valid ID: Magdala ng kahit isang (1) valid ID para sa beripikasyon.
Kasuotan: Siguraduhing nakasuot ng tamang running shoes.
Etiquette sa Daan: Manatili sa kanan (stay right), mag-overtake sa kaliwa (pass left), at sumunod sa single file na linya.
Kalusugan: Tumakbo ayon sa sariling bilis (own pace), lalo na sa mga may karamdamang pangkalusugan.
Basura: Panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.
Bukod sa saya ng pagtakbo, abangan din ang mga exciting raffle items na naghihintay para sa mga mapapalad na kalahok!





Comments