top of page

Kapayapaan at Kaligtasan ng San Rafael, Tinalakay sa 4th Quarter Joint MPOC & MADAC Meeting


Upang masiguro ang isang mapayapa at ligtas na pagtatapos ng taon, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 4th Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa ating bayan.


Ang pagtitipon ay nagsilbing plataporma upang balangkasin ang mga bagong estratehiya at talakayin ang mga mahahalagang updates na may kinalaman sa seguridad at kampanya laban sa ilegal na droga.


Pinangunahan ang pagpupulong ng ating Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga Konsehal, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga Kapitan ng Barangay, Force Multipliers, Principal at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.


Ang nasabing programa ay pinangasiwaan ng DILG-San Rafael sa ilalim ng pamamatnugot ni MLGOO VI Mary Joy M. Nabor. Layunin ng DILG na masigurong ang mga polisiya at aksyon ng LGU ay naaayon sa pambansang pamantayan ng kapayapaan at kaayusan.


Sentro ng diskusyon ang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng gobyerno at ng komunidad. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabantay ngayong panahon ng Kapaskuhan upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen at upang mapanatili ang drug-free status ng mga barangay.

Comments


bottom of page