top of page

Kapitan Allan M. Pantaleon, Nagdiwang ng Kaarawan


Isang masaya at mapagpalang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga dedikadong lingkod-bayan ng ating bayan, ang masipag na Punong Barangay ng Tambubong, Kap. Allan M. Pantaleon.


Bilang ama ng Barangay Tambubong, kinikilala ang kanyang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusan at paghahatid ng serbisyo sa kanyang mga nasasakupan.


Nagkaisa ang buong pamunuan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapaabot ng kanilang pagbati. Pinangunahan ito nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.


Sa mensaheng inilabas ng LGU, hangad nila ang patuloy na kalakasan at gabay ng Maykapal para kay Kapitan Allan upang mas marami pa itong matulungang mga kababayan.


Comments


bottom of page