top of page

Kapitan Aurelio "Yeyo" Samaniego, Nagdiwang ng Kaarawan


Isang masaya at makabuluhang kaarawan ang ipinagdiriwang ngayong araw ng isa sa mga katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan, ang masipag na Punong Barangay ng Pansumaloc, Kap. Aurelio E. Samaniego, o mas kilala ng marami sa tawag na "Kapitan Yeyo."


Bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa kanyang mga kanayon sa Barangay Pansumaloc, nagpaabot ng isang mainit na pagbati ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael. Ang pagpupugay na ito ay pinangunahan nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at Kasama ang lahat ng bumubuo ng Sangguniang Bayan.


Hangad ng pamunuan ang patuloy na kalusugan, kaligayahan, at mahabang buhay para kay Kapitan Yeyo upang patuloy siyang maging inspirasyon at gabay sa kanyang nasasakupan.

Comments


bottom of page