top of page

Kasalang Bayan 2025 sa San Rafael, Matagumpay na Idinaos



Isang matamis at makasaysayang kaganapan ang namayani sa Bayan ng San Rafael noong ika-27 ng Oktubre, matapos magpalitan ng matamis na "I do" ang maraming pares ng ating mga kababayan sa ginanap na Kasalang Bayan 2025.


Ang seremonya ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Igg. Cipriano D. Violago, Jr., na nagsilbing solemnizing officer. Kasama niyang sumaksi at sumuporta sa mga bagong kasal sina Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracio at mga kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan


Ang programang ito ay bahagi ng adbokasya ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang mga proyektong "pamilyang-sentro" at makatao, na nagpapatunay ng pagkakapantay-pantay at pagkakaisa sa ating komunidad.


Hindi magiging matagumpay ang okasyong ito kung wala ang dedikasyon ng Municipal Civil Registry Office (MCRO) sa pamumuno ni Bb. Mercedes D. Rivera. Ang kanilang opisina, katuwang ang mga kawani ng munisipyo, ang naging susi sa maayos na pagproseso ng mga dokumento at pag-oorganisa ng nasabing mass wedding.


Comments


bottom of page