top of page

Kinilala sa Singapore! Kababayan Natin, Nagwagi sa EDUtech Asia Planet Protectors


Muling napatunayan ang talino at husay ng mga San Rafaeleño sa larangan ng teknolohiya at adbokasya sa katatapos lamang na EDUtech Asia Planet Protectors na ginanap sa bansang Singapore.


Isang malaking karangalan ang iniuwi ni James Victor R. Santiago, isang mahusay na mag-aaral mula sa Brgy. Talacsan at kasalukuyang nag-aaral sa Baliuag University. Si James at ang kanyang koponan ay matagumpay na nakamit ang mga prestihiyosong parangal,1st Runner-Up – EDUtech Asia Planet Protectors at People’s Choice Award – Best Social Media Campaign


Hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng kanilang Coach at Adviser na si Sir Frederick A. Inoncillo, na mula naman sa Brgy. Capihan. Ang kanyang gabay at dedikasyon ang nagsilbing pundasyon upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang galing sa internasyonal na entablado.


Nagpaabot naman ng pagbati ang Lokal na Pamahalaan ng San Rafael sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion. Ang inyong tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral sa ating bayan na patuloy na mangarap at maglingkod para sa kalikasan at lipunan.

Comments


bottom of page