top of page

Kita-kits Mamaya! San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025, Opisyal nang Bubuksan Ngayong Gabi


Ang pinakahihintay na gabi ay narito na! Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga kababayan na makiisa at tunghayan ang makulay at masayang Grand Opening ng San Rafael Christmas Village and Bazaar 2025.


Ngayong gabi, magbabago ang anyo ng ating Municipal Ground tungo sa isang mahiwagang lugar na puno ng liwanag at pag-asa.


Siguradong mag-eenjoy ang bawat miyembro ng pamilya sa mga inihandang atraksiyon na isang engrandeng lighting ceremony na sasabayan ng mga awiting Pasko na magpapainit sa inyong mga puso. Mayroon din iba't ibang masasarap na pagkain at lokal na produkto ang matatagpuan sa ating bazaar area at pambatang atraksiyon.


Ang proyektong ito ay bahagi ng layunin nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion na pagbuklurin ang bawat pamilyang San Rafaeleño sa isang masaya at ligtas na kapaligiran.


Comments


bottom of page