Konsehal Ate Mel Santos, Inihalal na Pangulo ng Lady Local Legislators’ League – Bulacan
- SB San Rafael

- Feb 20
- 1 min read

Isang malaking karangalan ang muling natamo ng bayan ng San Rafael matapos ihalal ang ating masipag at dedikadong Konsehal Anna Maria “Ate Mel” S. Santos bilang bagong Pangulo ng Lady Local Legislators’ League of the Philippines (LLLP) – Bulacan Chapter.
Ang pagkakahalal kay Konsehal Ate Mel ay pagpapatunay ng kanyang husay at malawak na karanasan sa paggawa ng mga batas at polisiya na may malasakit sa mamamayan. Bilang bagong lider ng samahan ng mga kababaihang mambabatas sa buong lalawigan, inaasahang pangungunahan niya ang mga programa na magpapalakas sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan sa Bulacan.
Nagpaabot naman ng buong suporta ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion. Ayon sa pamunuan, ang bagong tungkuling ito ni Ate Mel ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga lider-kababaihan na maglingkod nang may integridad, puso, at tapang.





Comments