Konstruksyon ng Apartment sa Brgy. Gulod, Sinuri ng Sangguniang Bayan
- SB San Rafael

- Jan 17
- 1 min read

Personal na binisita ni Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang ginagawang apartment building sa Gulod, Brgy. Maguinao para sa isang ocular inspection.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng regular na monitoring na isinasagawa ng Sanggunian upang masiguro na ang lahat ng mga itinatayong establisyemento sa bayan ay sumusunod sa tamang pamantayan. Layunin ni Kuya Edison at ng mga konsehal na matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng gusali para sa magiging mga residente nito at sa buong komunidad.
Ayon sa Pangalawang Punong Bayan, ang pagbisitang ito ay patunay ng masusing pagbabantay ng lokal na pamahalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura sa San Rafael upang masiguro na ito ay ligtas at naayon sa batas.





Comments