Kuya Edison, Nakiisa sa Oath-taking ng mga Officers sa Dagat-Dagatan ES
- SB San Rafael

- Jan 28
- 1 min read

Binigyang-halaga ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion ang papel ng mga lider-estudyante, magulang, at mga guro sa isinagawang Oath-taking Ceremony sa Dagat-Dagatan Elementary School (DDES) noong ika-22 ng Enero.
Personal na nakiisa at naging saksi si Kuya Edison sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyales mula sa iba’t ibang organisasyon ng paaralan, kabilang ang:
GPTA (General Parent-Teacher Association)
HRPTA (Homeroom Parent-Teacher Association)
SELG (School Elementary Learner Government)
YES-O (Youth for Environment in Schools Organization)
DDES Faculty
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Kuya Edison ang kanyang mainit na pagbati sa mga bagong opisyal. Pinasalamatan din niya ang pamunuan ng paaralan sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makiisa sa ganitong makabuluhang okasyon na naglalayong patatagin ang ugnayan ng paaralan at ng komunidad.
Ayon kay Kuya Edison, ang pagkakaisa ng mga guro, magulang, at mga mag-aaral ang susi sa isang maayos at progresibong kapaligiran para sa pagkatuto ng kabataang San Rafaeleño.





Comments