Langit ng San Rafael, Magniningning Gabi-gabi sa Fireworks Display ng Christmas Village 2025!
- SB San Rafael

- Nov 18, 2025
- 1 min read

Hindi lamang sa lupa ramdam ang saya ng Pasko, kundi pati na rin sa kalangitan ng ating bayan! Inanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga residente at bisita na saksihan ang nakaka-manghang Fireworks Display na idinaraos gabi-gabi sa ating Christmas Village.
Ang gabi-gabing pailaw ay bahagi ng mga inihandang surpresa ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. upang mas lalong maging espesyal ang karanasan ng bawat pamilyang bumibisita sa munisipyo. Layunin nito na magbigay ng pag-asa at ligaya sa mga bata at matatanda habang ipinagdiriwang ang kapanganakan ng ating Panginoon.





Comments