LGU, Nagpaabot ng Pagpupugay sa mga Bagong Board Passers
- SB San Rafael

- Jan 7
- 1 min read


Isang malaking karangalan ang muling ibinigay ng mga kabataang San Rafaeleño sa bayan matapos ang kanilang matagumpay na pagpasa sa kani-kanilang Licensure Examinations ngayong taon.
Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, nagpaabot ng opisyal na pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan. Ang pagkilalang ito ay bahagi ng adbokasya ng lokal na pamahalaan na itampok ang husay at talino ng bawat mamamayan.


Hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga bagong propesyonal na dumaan sa matinding pagre-rebyu at pag-aaral. Ayon sa pamunuan, ang pagkakaroon ng mga bagong lisensyadong guro, nars, inhinyero, at iba pang propesyonal ay isang malaking kontribusyon sa pag-unlad ng human resources ng bayan.
"Kahanga-hanga ang inyong talino at dedikasyong makapasa sa inyong licensure examination upang makapaglingkod nang buong puso at husay sa ating mamamayan. Tunay na ipinagmamalaki kayo ng ating Bayan!" pahayag ng LGU.





Comments