LGU San Rafael, Ginawaran ng CSC Accreditation para sa Mahusay na HR Management
- SB San Rafael

- Nov 21, 2025
- 1 min read

Muling napatunayan ng Bayan ng San Rafael ang mataas na kalidad ng serbisyo nito matapos pormal na tanggapin ang Gawad ng Akreditasyon mula sa Civil Service Commission (CSC). Ang parangal ay tinanggap nina Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente at HRMO III Marianne C. Collantes sa isang seremonya na idinaos sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Ang prestihiyosong akreditasyon ay iginawad alinsunod sa CSC Resolution Blg. 2500568. Ito ay pagkilala sa tagumpay ng San Rafael sa ilalim ng programang Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM).
Binigyang-diin ng CSC ang kahusayan ng bayan sa recruitment, selection, placement, at performance management system.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng liderato nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan.
Ayon sa pamunuan, ang akreditasyong ito ay hindi lamang isang papel, kundi isang patunay ng patuloy na pag-angat ng antas ng pamamahala tungo sa isang mas mahusay, tapat, at de-kalidad na serbisyo para sa bawat San Rafaeleño.





Comments