top of page

LGU San Rafael, Naghatid ng Tulong sa mga Evacuees ng Bagyong Uwan



Sa gitna ng hamon na dala ng Bagyong Uwan, hindi nag-atubili ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael na personal na bisitahin at abutan ng tulong ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers matapos lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.


Pinangunahan mismo ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pag-iikot upang kumustahin ang kalagayan ng bawat pamilya. Tiniyak ng Punong Bayan na sa kabila ng hirap na dulot ng kalamidad, ang bawat evacuee ay nasa maayos na kalagayan at may sapat na supply ng pagkain at gamot.


Katuwang sa pamamahagi ng relief goods at pag-asikaso sa mga evacuees ang Igg. Edison M. Veneracion (Pangalawang Punong Bayan), mga kagalang-galang na Konsehal ng Bayan, Dra. Marina R. Viente (Municipal Administrator), Victoria Ramos (MSWDO) at Dra. Josefina Judith Saddam, kasama din ang mga kinatawan mula sa BFP San Rafael, PNP San Rafael, mga kawani mula sa DOH, DSWD, at Pamahalaang Bayan.


Bukod sa pagkain, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang aspetong medikal sa pamamagitan ng presensya ng mga health officers upang masigurong walang magkakasakit sa loob ng mga centers. Ipinahayag ni Mayor Violago ang kanyang patuloy na suporta at malasakit para sa kaginhawaan ng lahat hanggang sa muling maging ligtas ang pagbabalik ng mga pamilya sa kanilang mga tahanan.

Comments


bottom of page