LGU San Rafael, Nagpaabot ng Pagbati sa Kaarawan ni Supply Officer Edwin Dulay
- SB San Rafael

- Jan 10
- 1 min read

Isang masayang pagdiriwang ang naganap sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael ngayong araw sa pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa mga haligi ng logistics at administratibong operasyon ng munisipyo, ang ating masipag na Supply Officer na si Sir Edwin C. Dulay.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, at ng buong kasapian ng Sangguniang Bayan. Kinilala ng mga opisyal ang mahalagang papel ni Sir Edwin sa pagtiyak na maayos at kumpleto ang mga kagamitan at supply na kinakailangan upang makapaghatid ng tuloy-tuloy na serbisyo ang bawat departamento sa bayan.





Comments