LGU San Rafael, Nakatutok sa Posibleng Pagdating ng Kalamidad.
- SB San Rafael

- Nov 9, 2025
- 1 min read

Bilang paghahanda sa anumang posibleng epekto ng paparating na sakuna, tiniyak ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang kahandaan ng kanilang mga kagamitang pang-operasyon. Ang hakbang na ito ay bahagi ng estratehiya ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa oras ng pangangailangan.
Sa direktiba ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, personal na inihanda at sinuri ang mga kinakailangang rescue equipment at kagamitan para sa clearing operations.
Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan na hindi titigil ang pagbabantay hanggang hindi nasisiguro ang kaligtasan ng lahat. Nakatutok sa sitwasyon sina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan at lahat ng frontline agencies ng munisipyo.
Pinapayuhan din ang mga mamamayan na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na anunsyo ng barangay at munisipyo, at ihanda ang kanilang mga emergency kit.





Comments