top of page

LGU San Rafael, Puspusan ang Paghahanda para sa SGLG Validation.


Upang matiyak ang kahandaan ng bayan sa pag-abot ng pinakamataas na pamantayan ng serbisyo publiko, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang SGLG Mock Assessment nitong nagdaang Biyernes, ika-14 ng Nobyembre.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng istratehikong hakbang ng lokal na pamahalaan upang masigurong selyado at kompleto ang lahat ng rekisitos bago ang nakatakdang opisyal na validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong taon.


Ang mock assessment ay nakatuon sa pagsisiyasat ng mga sumusunod na aspeto ng pamamahala, dokumentasyon, proseso at areas for improvement.


Pinangunahan ang mahalagang aktibidad na ito ng ating masipag na MLGOO Mary Joy Nabor, katuwang ang mga opisyal mula sa DILG na nagsilbing mga mabusising assessors, LGOO VII Lydia Baltazar (Cluster Head), LGOO VI Kristine Joy Pesimo (MLGOO San Miguel, Bulacan) at LGOO III Editha Macalinao (SGLG Focal Person).


Nagpakita naman ng aktibong pakikilahok ang iba’t ibang departamento ng munisipyo sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion. Ang kanilang buong-pusong paghahanda ay patunay ng mithiin ng San Rafael na mapaangat ang antas ng lokal na pamamahala tungo sa pagiging mahusay, matapat, at responsable.

Comments


bottom of page