top of page

Libreng Anti-Rabies Vaccination, Hatid ng Municipal Agriculture Office


Bilang pakikiisa sa pambansang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong Marso 1 hanggang 31, 2026, masiglang nananawagan ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa lahat ng mga "pet owners" na maging responsable sa kanilang mga alagang aso at pusa.


Sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa rabis upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng buong komunidad. Ang rabies ay isang seryosong sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga at regular na konsultasyon sa mga eksperto.


Bilang bahagi ng programa nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, narito ang mga serbisyo at paalala para sa mga mamamayan:

  • Libreng Bakuna Tuwing Lunes: Maaaring dalhin ang inyong mga alagang hayop sa Agriculture Office tuwing Lunes para sa kanilang anti-rabies vaccine.

  • Barangay Schedules: Makipag-ugnayan sa inyong barangay officials o sa Agriculture Office upang malaman ang takdang araw ng pagbabakuna sa inyong lugar.

  • Responsableng Pag-aalaga: Siguruhing nakatali o nasa loob ng bakuran ang mga alaga, may updated vaccine records, at hindi hinahayaang gumala sa kalsada.


Naniniwala ang Pamahalaang Bayan na ang pagiging masinop na may-ari ng hayop ay isang mahalagang tungkulin na nag-aambag sa pagbuo ng isang ligtas, malusog, at maunlad na San Rafael.

Comments


bottom of page