top of page

Libreng Makinarya, Handog para sa Agrikultura ng San Rafael


Bilang suporta sa sektor ng agrikultura, muling nagpapaalala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael tungkol sa programang Libreng Traktora at Harvester para sa lahat ng mga lokal na magsasaka.


Ang programang ito ay naglalayong pagaanin ang gastusin at mapabilis ang pag-aani ng mga magsasakang San Rafaeleño. Para sa mga nagnanais gumamit ng mga nasabing makinarya, pinapayuhan ang lahat na makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office upang maayos na ma-schedule ang paggamit ng mga ito.


Maaari ring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng tanggapan para sa karagdagang impormasyon at anunsyo. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapaunlad ang kabuhayan sa ilalim ng adhikain na "Sama-sama nating paunlarin ang agrikultura sa ating bayan!"

Comments


bottom of page