top of page

Libreng Zumba kasama sina ZIN Chumack at ZIN Sarah, Tampok ngayong Weekend!


Handa na bang gumalaw at magpawis ang mga San Rafaeleño? Bilang bahagi ng masayang selebrasyon sa San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025, isang engrandeng Libreng Zumba Session ang nakatakdang ganapin ngayong darating na Sabado at Linggo, Nobyembre 22-23, sa ganap na 5:30 pm.


Upang mas lalong maging masigla ang hatawan, pangungunahan ito ng mga batikang instruktor na sina ZIN Chumack Calbay at ZIN Sarah Aguilar. Inaasahang mapupuno ng enerhiya ang Municipal Grounds dahil sa mga inihandang dance routines na swak sa panlasa ng mga mahilig sa fitness at pagsasayaw.


Ang programang ito ay handog nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan. Layunin nito na magbigay ng libreng paraan ng paglilibang na nakakatulong din sa pagpapalakas ng pangangatawan habang dinaramdam ang diwa ng Pasko.

Comments


bottom of page