top of page

Libreng Zumba, Tampok sa San Rafael Christmas Village ngayong Weekend!


Hindi lamang pampasigla ng mata ang mga dekorasyon sa San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025, kundi pampasigla rin ng katawan! Inimbitahan ng Pamahalaang Bayan ang lahat ng mga San Rafaeleño na maki-indak sa Libreng Zumba Session na gaganapin ngayong darating na Sabado at Linggo.


Gaganapin ang programa sa Municipal Grounds sa ganap na 7:00 ng gabi sa Nobyembre 29 at 30. Layunin ng aktibidad na ito na pagsamahin ang saya ng Kapaskuhan at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.


Ang nasabing programa ay hatid sa inyo nina, Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan.


Inaasahang dadaanin sa sayaw ng mga residente ang lamig ng simoy ng Pasko habang ine-enjoy ang paligid ng Christmas Village. Bukod sa Zumba, maaari ring pasyalan ng mga pamilya ang bazaar pagkatapos ng pawisang session.



Comments


bottom of page