Liga ng mga Barangay, Nagsagawa ng Year-End Evaluation at Assembly
- SB San Rafael

- Dec 18, 2025
- 1 min read


Upang suriin ang mga naging tagumpay at hamon ng nagdaang taon, matagumpay na idinaos ng Liga ng mga Barangay sa Bayan ng San Rafael ang kanilang Year-End Evaluation and Assembly. Ang pagtitipon na ito ay nagsilbing pagkakataon upang mas mapatibay ang ugnayan ng bawat barangay tungo sa mas mahusay na paglilingkod sa susunod na taon.
Naging espesyal ang nasabing pagtitipon sa pagdalo at pakikiisa ng ating Pangalawang Punong Bayan, Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Edison ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga opisyal ng barangay bilang mga "frontliners" ng pamahalaan.
Bukod sa pormal na ebalwasyon ng mga programa, naging venue rin ang assembliya para sa kaunting kasiyahan at bonding ng mga opisyal. Layunin nito na bigyan ng sandaling pahinga ang mga lider ng komunidad na walang sawang naglilingkod para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng tanggapan ni Vice Mayor Edison Veneracion at ng Sangguniang Bayan upang masiguro na ang bawat barangay sa San Rafael ay nakakatanggap ng sapat na suporta at atensyon mula sa lokal na pamahalaan.





Comments