Lingguhang Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Municipal Health Office
- SB San Rafael

- Nov 17, 2025
- 1 min read
Isang mapagpala at makabuluhang Lunes ang bumati sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa muling pagsasagawa ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong araw, ika-17 ng Nobyembre sa harap ng ating Munisipyo.
Para sa linggong ito, ang palatuntunan ay pinangasiwaan ng Municipal Health Office (MHO) sa ilalim ng dedikadong pamumuno ni Dr. Maria Cristina S. Vergel De Dios. Bukod sa seremonya, nagbigay rin ang MHO ng mga paalala at updates hinggil sa mga programang pangkalusugan na kasalukuyang ipinapatupad para sa kapakanan ng bawat San Rafaeleño. Dinaluhan ang seremonya ng mga opisyal at kawani mula sa iba’t ibang departamento ng munisipyo. Ang pagtitipong ito ay nagsilbi ring pagkakataon para sa lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, na muling ipaalala ang kahalagahan ng pagkakaisa at tapat na serbisyo publiko.





Comments