top of page

Local Health Board Meeting: Serbisyong Medikal sa San Rafael, Mas Pagtitibayin

Updated: Feb 2


Upang matiyak ang masigla at malusog na komunidad, matagumpay na idinaos ng Municipal Health Office (MHO) ang Local Health Board Meeting ngayong araw.


Ang pagpupulong ay nakatuon sa pagpaplano at pagpapaigting ng mga kasalukuyang programang pangkalusugan ng pamahalaang bayan. Binigyang-diin sa talakayan ang layunin na mapabuti ang sistema ng paghahatid ng de-kalidad, mabilis, at episyenteng serbisyong medikal para sa bawat mamamayang San Rafaeleño.


Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa ilalim ng Local Health Board, tinalakay ang mga estratehiya upang mas mailapit ang mga gamot, konsultasyon, at iba pang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay. Ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng administrasyon nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na gawing prayoridad ang kapakanan ng bawat pamilya.


"Ang ating layunin ay siguruhing walang San Rafaeleño ang mapag-iiwanan pagdating sa kalingang pangkalusugan," pahayag mula sa kinatawan ng MHO.

Comments


bottom of page