Lokasyon ng Sanitary Permits at Health Certificates, Inilipat na
- SB San Rafael

- Feb 19
- 1 min read

Upang mas mapabilis at maging mas organisado ang paghahatid ng serbisyo-publiko, ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang bagong lokasyon para sa mga transaksyong may kinalaman sa Environmental Health and Sanitation.
Lahat ng mga kababayan nating nagnanais kumuha ng mga sumusunod na dokumento ay pinapayuhang magtungo sa Municipal Health Office (MHO) - Rural Health Unit 2 na matatagpuan sa Barangay Maguinao:
Sanitary Permit (Para sa mga negosyo at establisimyento)
Health Certificate (Para sa mga manggagawa)
Water Potability Certificate (Pagsusuri sa kalinisan ng tubig)
Exhumation at Transfer Permits (Para sa paglilipat ng labi)
At iba pang mga sertipiko na may kinalaman sa sanitasyon.
Ang hakbang na ito, sa ilalim ng pamamahala nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay bahagi ng pagsasaayos ng mga pasilidad upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat San Rafaeleño. Ang RHU 2 sa Maguinao ay handang tumanggap ng mga aplikante upang tiyakin ang maayos at mabilis na proseso ng inyong mga kailangan.
Hinihikayat ang lahat na sumunod sa mga itinakdang alituntunin at dalhin ang kumpletong rekisitos para sa mas mabilis na transaksyon.





Comments