Luksang Parangal para kay Kgg. Amando V. De Guzman
- SB San Rafael

- Jul 11, 2025
- 1 min read

Isang makabuluhang Luksang Parangal ang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Bulacan bilang pagkilala at paggunita sa yumaong Kgg. Amando “Lengget” V. De Guzman, dating Vice President ng Liga ng mga Barangay - San Rafael.
Pinangunahan ang parangal nina Punong Bayan, Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., at Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan, bilang pagpapakita ng taos-pusong pasasalamat at paggalang sa hindi matatawarang serbisyo ni Kgg. De Guzman sa bayan at sa Liga ng mga Barangay.
Sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay, kaibigan, at mga kapwa lingkod-bayan, inalala ang kanyang kabutihan, dedikasyon, at malasakit na patuloy na magiging inspirasyon sa paglilingkod publiko.
Maraming salamat, Kgg. Lengget. Ang iyong alaala ay mananatili sa puso ng bawat San Rafaeleño.





Comments