Luksang-Parangal sa Dating Punong Barangay Ambrocio R. Ongcangco
- SB San Rafael

- Dec 13, 2025
- 1 min read

Isang madamdaming pagpupugay ang inihandog ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa namayapang dating punong barangay, Igg. Ambrocio R. Ongcangco, bilang pagkilala sa kanyang mahaba at tapat na serbisyo sa bayan.
Personal na nakiramay si Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, sa pamilya at mga naulila ng dating opisyal. Sa kanyang pagbisita, ibinahagi ni Kuya Edison ang pakikidalamhati ng buong munisipyo sa pagkawala ng isang lider na nag-iwan ng malalim na marka sa kasaysayan ng lokal na pamahalaan.
Naghandog din ng isang Luksang-Parangal ang Liga ng mga Barangay (LnB) sa pangunguna ni LnB President, Igg. Reynaldo V. Pile, Jr. Bilang simbolo ng mataas na paggalang ng Sangguniang Bayan, ipinagkaloob ni Kuya Edison ang Kapasiyahan ng Pakikiramay, isang opisyal na dokumento na nagpapatunay sa pagkilala ng lehislatura sa naging kontribusyon ni Kapitan Ongcangco.
Si Kapitan Ongcangco ay kinikilala bilang isa sa mga pinaka-matatag na lider sa San Rafael. Ang kanyang track record sa serbisyo publiko ay Barangay Kagawad, 1989 hanggang 1994, at Punong Barangay, anim na termino.
Dahil sa kanyang mahabang panunungkulan, marami siyang naging proyekto at malasakit na nananatiling buhay sa puso ng kanyang mga nasasakupan.





Comments