top of page

Magbayad ng Buwis bago mag-Marso 31 upang Makaiwas sa Penalty


Muling pinaaalalahanan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga may-ari ng ari-arian na bukas na ang panahon para sa pagbabayad ng buwis sa lupa, gusali, bahay, at makinarya para sa taong 2026.


Simula noong Enero 5, 2026, ay maaari nang magtungo sa munisipyo upang ayusin ang inyong mga obligasyon. Ang takdang panahon ng pagbabayad nang walang kaukulang multa ay tatagal hanggang Marso 31, 2026.


Bukod sa pag-iwas sa huling araw na siksikan, ang mga maagang magbabayad ay makakamit ang kaukulang diskwento. Ito ay malaking tulong para sa mga pamilya at negosyo upang makatipid sa kanilang gastusin habang sinisiguro na ang kanilang mga ari-arian ay updated sa talaan ng gobyerno.


Inaanyayahan ang lahat na magsadya sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman na matatagpuan sa loob ng ating Bahay Pamahalaan.

Comments


bottom of page