Maligayang Kaarawan, Kap. Resty Infantado ng Brgy. Capihan!
- SB San Rafael

- Feb 22
- 1 min read

Nagkakaisa ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagpapaabot ng isang maligayang kaarawan para sa isa sa mga katuwang nito sa lokal na pamamahala, si Punong Barangay Ariston S. Infantado ng Barangay Capihan.
Sa pangunguna ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, binigyang-pugay ang dedikasyon at sipag ni "Kap. Resty" sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan sa Capihan.
Dalangin ng pamunuan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at gabay ng Panginoon para kay Kap. Resty upang mas marami pa siyang matulungan at mapaglingkuran sa kanyang komunidad.





Comments