top of page

Maligayang Kaarawan, Konsi Alvin!


Isang masaya at mapagpalang pagbati ang ipinaabot ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ni G. Peter Alvin Violago, ang ating masipag na Consultant on Tourism.


Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan ang pagbati para sa tinaguriang "Konsi Alvin." Sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang consultant, patuloy na pinalalakas ang mga programa sa turismo upang mas maipakilala ang ganda at kultura ng ating mahal na bayan.


Dalangin ng buong munisipyo para kay Konsi Alvin ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at higit pang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy na makapaglingkod nang may dedikasyon sa mga San Rafaeleño.


Ang kanyang sigasig sa pagtataguyod ng lokal na turismo ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ating ekonomiya at pagkakakilanlan bilang isang progresibong bayan sa Bulacan.

Comments


bottom of page