Maligayang Kaarawan sa Ating DILG Officer, Mary Joy V. Nabor!
- SB San Rafael

- 6 days ago
- 1 min read

Isang masayang pagdiriwang ang idinaraos ngayong araw para sa isa sa mga katuwang ng ating bayan sa maayos na pamamahala, ang ating DILG Officer, Mary Joy V. Nabor.
Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, ipinaabot ng munisipyo ang kanilang taos-pusong pagbati. Bilang kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ating bayan, ang kanyang gabay at dedikasyon ay mahalaga sa pagpapanatili ng Good Local Governance sa San Rafael.
Dalangin ng buong Pamahalaang Bayan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyaya mula sa ating Panginoong Maykapal para kay Ma’am MJ. Nawa’y magpatuloy ang kanyang sigla sa pagtulong sa bayan tungo sa mas maayos at tapat na paglilingkod sa bawat mamamayan.





Comments