top of page

Maligayang Kaarawan sa Lahat ng mga Kawani ng San Rafael na Isinilang ngayong Marso!


Isang masigla at puno ng pasasalamat na pagbati ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga kawani ng munisipyo na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Marso.


Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, kinilala ang mahalagang papel ng mga kawaning ito sa tagumpay ng bawat programa ng lokal na pamahalaan. Ang buwanang pagbati na ito ay bahagi ng adbokasiya ng pamunuan na bigyang-halaga ang dedikasyon at sakripisyo ng bawat lingkod-bayan.


Comments


bottom of page