top of page

Maligayang Kaarawan, Sec. Acmad Calaca!


Isang mainit at mapagpalang pagbati ang ipinaabot ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng ating masipag na Secretary to the Mayor, G. Acmad N. Calaca.


Pinangunahan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ni Sec. Acmad sa maayos na operasyon at ugnayan ng tanggapan ng Punong Bayan sa mga mamamayan.


Dalangin ng buong pamahalaan para kay Sec. Acmad ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at gabay mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy na makapaglingkod nang may kahusayan para sa ikabubuti ng bawat San Rafaeleño. Ang kanyang maayos na pakikitungo at maasahang serbisyo ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng kawani ng munisipyo.

Comments


bottom of page