top of page

Matagumpay na Isinagawa ang Sangguniang Bayan Year-End Assessment


Bilang paghahanda sa pagtatapos ng taong 2025, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Bayan (SB) ng San Rafael ang kanilang Year-End Assessment and Evaluation noong Disyembre 9.


Pinangunahan ang mahalagang pagpupulong ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion sa Padre Pio Hall, 8 Waves Waterpark and Hotel sa Ulingao, San Rafael, Bulacan.


Ayon kay Vice Mayor Veneracion, ang pangunahing layunin ng Year-End Assessment ay hindi lamang upang maglista ng mga nagawa, kundi upang maging strategic at proactive sa mga susunod na hakbang.


Ang mahalagang sesyon ay isinagawa upang maitala ang lahat ng tagumpay at accomplishments ng Sangguniang Bayan sa buong taon, matuto mula sa lahat ng mga naging karanasan ngayong taon at higit pang mapagbuti ang paglilingkod sa mamamayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page