top of page

Mayor at SB San Rafael, Nagsagawa ng On-Site Inspection sa Barangay Poblacion: Progreso ng Construction, Tiniyak


Bilang bahagi ng pagtiyak sa kalidad ng mga serbisyo at proyekto sa bayan, personal na bumisita si Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, sa iba’t ibang pangunahing establisimyento at pasilidad sa Barangay Poblacion noong Disyembre 1.


Ang pag-iikot ay naglalayong personal na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng mga pasilidad at subaybayan ang pag-usad ng mga proyekto. Kabilang sa mga pasilidad na sinuri ng mga opisyal ang ,Public Market, RHU III (Rural Health Unit), Gym (Under Construction), Barangay Hall (Under Construction).


Nagbigay ng espesyal na atensyon ang pag-iikot sa mga pasilidad na kasalukuyang under construction, tulad ng gym at barangay hall. Ayon kay Mayor Violago, layunin ng pag-iikot na matiyak na "maayos ang progreso ng trabaho at ligtas ang lugar para sa publiko."

Comments


bottom of page